CAGAYAN DE ORO CITY – Byaheng National Capital Region na ngayong araw ang 11-man team ng Department of Health-10.

Ito’y upang magsilbing augmentation workforce para sa NCR based medical workers laban sa coronavirus disease.
Ayon kay Dr Tristan Jediah Labitad,head ng DoH-10 delegation na tatagal ng dalawang linggo ang pamamalagi nito sa NCR.

Aniya, handa naman silang palawigin pa ang kanilang iskedyul na magtagal sa nasabing lugar hanggat kinakailangan pa ang kanilang serbisyo upang labanan ang Covid-19.

Napag-alaman na ang 11-man team ng DoH-10 na ipapadala sa NCR ay kinabibilangan ng pitong nurse at tatlong medical technologists.










