CAGAYAN DE ORO CITY – Magsasanib puwersa ang health experts ng United Kingdom at Russia upang bubuo ng mas epektibo pa na mga bakuna pangontra sa laganap na COVID-19.
Ito ay matapos nagkasundo ang Russian at UK health experts na isasailalim ng mapangahas na ekspiyermento ang AstraZeneca-Oxford University vaccine at ang Sputnik 5 vaccine para mapatibay ang bakuna na panglaban sa bayrus na tumama sa buong mundo.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni UK-based molecular biologist Dr Don Valledor na ang kasunduan ito ay hindi namamagitan ang kapwa ng gobyerno ng dalawang bansa bagkus ay sila-sila lamang na health experts.
Inihayag ni Valledor na hangad nila na titibay pa ang bakuna na kanilang mabubuo gamit ang kapwa epektibo ng anti-COVID vaccines na hawak ng dalawang bansa.
Dagdag nito na sisimulan umano ang UK-Russian partnership research sa Enero 2021 kung saan maaring magpapadala sila ng kanilang scientists papunta sa Rusya para sa nabanggit na usapin.
Napag-alaman na ang mga bakuna ng dalawang bansa ay naghahangad rin na maisuplay sa Pilipinas na isa sa mga pinakamalala na tinamaan ng bayrus sa buong rehiyon ng Asya.