CAGAYAN DE ORO CITY – Mariing itinanggi ni Misamis Occidental 2nd District Rep. Atty Henry Oaminal na nasangkot ng anumang government projects ng Dept of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang family firms sa Misamis Occidental.

MisOcc 2nd District Rep Henry Oaminal

Ito ay matapos ibinunyag mismo ni President Rodrigo Duterte na nagmay-ari ng construction firm si Oaminal at pinagdudahan na nasa likod siya sa mga nakuhang mga proyekto katuwang ang ilang district engineers ng DPWH-MisOcc.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Oaminal na hindi niya itinanggi na nagsilbi itong contractor bago pumasok sa politika subalit matagal na umanong ibenenta nito ang kanyang share stocks upang makaiwas na makalabag ng batas.

Inihayag ni Oaminal na politika lang naman ang nakikita nito kung bakit nakakalakad ang kanyang pangalan para mapabilang na naiulat ng Presidential Anit-Corruption Commission na ginamit na basehan ni Duterte.

Samantala,kinompirma naman ni DPWH-10 spokesperson Vinah Jean Maghinay na epektibo na ang pagka-relib ng kanilang dalawang district engineers na pinangalanan ni Duterte noong nakaraang gabi.

Si Misamis Occidental 2nd District Rep. Atty Henry Oaminal

Inihayag ni Maghinay na nagreport na sina Misamis Occidental 1st District Engineering head Analy Manzano at Misamis Occidental 2nd District Engineering Office chief Carolyn Abinales kay DPWH Secretary Mark Villar.