CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat ng kontrobersyal na si Atty Ely Pamatong ang mga sundalo na umano’y loyal sa kanya na arestuhin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang utos ni Pamatong ng bigla nito na paglutang sa social media kaugnay sa umano’y kautusan ni Duterte na magpapa-bakuna ang ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) upang hindi madadapuan ng coronavirus disease na lalong lumala dito sa bansa.

Inihayag ni Pamatong na ikinagalit umano nito ng husto kung bakit pinahintulutan ni Duterte na magpaturok ng bakuna mula Tsina ang mga sundalo na para sa kanya ay hayagang personal invasion.

Sinabi ng abogado na pinuno rin ng United States Allied Freedom Fighters of the East (USAFFE) na dapat hindi papalagpasin ang ginawa ni Duterte dahil nalabag umano nito ang kaparatan ng mga sundalo ng bansa.

Una rito,inamin ni PSG chief Brig Gen Jose Durante na sariling desisyon lamang umano nila magpapatupok ng bakuna upang masiguro na ligtas ang pangulo laban sa posibleng hawaan ng bayrus.

Si Atty Ely Pamatong

Magugunitang itong si Pamatong ay matagal nang nag-self proclaim na siya ang lehitimo na pangulo at hindi si Duterte subalit ilang beses naman na i-deneklara na nuissance candidate ng Commission on Elections noong nakaraang mga eleksyon sa bansa.