CAGAYAN DE ORO CITY – Pangungunahan ni 4th ID commanding officer Maj Gen Romeo Brawner Jr ang pagdalo kaugnay sa isang interfaith prayer service at tribute para sa lahat ng mga nasawing kasamahan nila at maging survivors na isasagawa sa makasaysayan na Gaston Park na kaharap lamang sa Sr San Agustin Cathedral ng Cagayan de Oro City mamayang hapon.
Ito ay matapos nais rin ipaabot ng mga bumubuo ng City Peace Development and Security Council at Interfaith Forum for Peace,Harmony and Solidarity Group ang kanilang pakikidalamhati sa hanay ng buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas dahil sa sinapit ng mga sundalo noong bumagsak ang C-130 plane sa Patikul,Sulu halos mag-isang linggo na ang nakalipas.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th ID spokesperson Maj Francisco Garello Jr na isang mataitim na gawain ang igagawad para sa kanilang kasamahan sa mismong parke na dati ring ‘meeting place’ ng mga unang sundalong Pinoy na nakikipaglaban sa mga banyagang puwersa na sumakop sa buong bansa maraming taon na ang nakalipas.
Sinabi ni Garello na matapos ang isang oras na interfaith prayer service ay agad isusunod ang banal na misa sa loob mismo ng Cathedral.
Una na ring sinabi na maliban sa nakapaloob na financial at ibang helping program ng AFP para sa kanilang kasamahan ay marami na tulong pinansyal din ang dumating para sa mga pamilya ng mga namatayan at survivors.
Magugunitang sa higit 30 na sundalong nasawi mula 4th ID dahil sa trahedya ay anim pa lamang fully identified at nitong linggo lamang naihatid sa kani-kanilang mga pamilya sa Northern Mindanao at Caraga Regions.