CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinaluksa ngayon ng buong syudad ang pagkasawi ni incumbent Malaybalay City Mayor Dr Florencio Flores Jr dahil sa tumama na impeksyon ng COVID-19 sa Bukidnon.
Ayon sa administrador ng Mayor Florencio ‘Doc Boy’ Flores Jr Facebook page na si Hyancinth Marielle na habang nasa pakikipaglaban pa umano ng bayrus ang alkalde ay palagi nito inuulit ang tagubilin na pasasalamatan ang lahat ng mga nag-alay panalangin upang takasan sana ang kamatayan.
Sinabi ni Hyancinth na hindi umano malilimutan ng yumao na mayor ang nagmamahal sa kanya habang naninilbihan ito sa kanilang syudad.
Si Flores ay unang dinapuan ng COVID-19 noong Enero 27 at naka-recover pagpasok ng Pebrero nitong taon.
Subalit muling tinamaan ng katulad na bayrus higit isang ligo lang ang nakaraan matapos naka-rekober at hindi na nakaligtas pa kahapon ng hapon.
Si Flores ay unang naging halal na alkalde sa syudad taong 2001 at nakapagsilbi rin bilang board member na kumakatawan sa segundo distrito ng probinsya mula 2010 hanggang 2019.
Tumakbong muli at nanalo noong 2019 elections at magpa-reelect sana para sa pangalawang termino subalit tinamaan na ng bayrus.
Magugunitang ang Bukidnon ay isa sa mga probisnya na mayroong mataas na mga kaso at minsan ay nakaungos rin Cagayan de Oro City sa usapin ng maraming virus infected cases.