(Update) CAGAYAN DE ORO CITY -Nakahandang magbibigay reward money ang provincial government para sa mga taong makatulong pagresolba nang pagkabaril-patay ng radio blocktimer habang nasa bakuran ng kanilang bahay sa Sitio Macanhan,Brgy Macasandig ng Cagayan de Oro City.
Ito ang pahayag ni Misamis Oriental Provincial Gov. Bambi Emano kaugnay sa sinapit ng kanilang political ally na si retired city hall employee Federico ‘Ding’ Gempesaw na mapalitan na binaril ng motorcycle in tandem suspects nitong lungsod.
Sinabi ng gobernador na ang palihim na pag-atake ng mga suspek sa biktima ay indikasyon nang kaduwagan sa nagsilbing utak ng kremin.
Ito ang dahilan na nakahada ang partidong Padayon Pilipino at mga kaibigan na magbigay ng kalahating milyong piso na reward money para mabilis ang pagresolba ng kaso.
Nagtamo ng dalawang tama ng kalibre 45 na baril ang ulo ng biktima na dahilan ng agaran nito na pagkasawi.
Si Gempesaw ay dating pinuno ng City Economic Enterprise Department ng city govt at naging political blocktimer din sa panahon ni late City Mayor Vicente’ Dongkoy’ Emano na umano ng outgoing governor ng Misamis Oriental.
Kasalukuyang mayroong hinawakan na programa ng isang FM station si Gempesaw at nagsisilbing taxi driver din ito pagkatapos ng programa.
Kaugnay nito,sinabi rin ni Carmen Police Station commander Maj Mario Mantala Jr na blangko pa sila kung sino ang nasa likod ng kremin at maging sa motibo nito.
Ito ang dahilan na nagsagawa pa sila ng malaliman na imbestigasyon kaugnay sa pangyayari.