CAGAYAN DE ORO CITY – Apektado na ang kita ng mga negosyo na may kainan sa Cagayan de Oro City dahil sa pagkalat ng gastroenteritis sa lungsod.
Ito ang ibinunyag ni Ray Talimio Jr., isang business owner, at dating chairman ng MSME CDO MIS-OR Chapter.
Ayon kay Talimio, bumaba ang “tiwala at kumpiyansa” ng mga mamimili bunsod ng pagtaas ng kaso ng pagsusuka at pagtatae, kaya humina ang kita ng ilang kainan sa panahong ito.
Nauna nang napansin ng mga negosyante na nag-aalangan nang kumain sa labas ang kanilang mga regular na kostumer dahil sa takot na makainom ng tubig na posibleng kontaminado ng maliliit na organismo, gaya ng ibinunyag ni City Health Officer Dr. Rachel Dilla.
Muling nanawagan ang grupo ng mga negosyante na ang kaso ng Acute Gastroenteritis ay naitala lamang sa dalawang mall at hindi sa lahat ng kainan sa lungsod.