CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbabala si Lucanos Igot, isang political science expert at propesor ng kursong International Studies sa malawakang epekto ng nagpapatuloy na government shutdown sa Estados Unidos sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon sa kanya, maaaring maapektuhan ang Visiting Forces Agreement at iba pang mahahalagang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa, na may direktang implikasyon sa seguridad at ugnayang diplomatiko.
Bukod dito, posibleng maantala ang mga transaksiyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at bumaba ang dollar remittances na isang pangunahing haligi ng pambansang kita. Sa gitna ng pangambang ito, inaasahang bababa ang kumpiyansa ng mga mamimili at maaaring bumagal ang takbo ng ekonomiya ng bansa.
(insert voice clip)