Napakahirap po ang pumunta, tumayo at magsalita sa inyong harapan,

Pero noon pa man, alam kong “walang madali kapag ikaw ay Marcos”

Nanginginig ako at ang aking boses.

Hindi dahil ako ay natatakot sa inyo kundi dahil nalulungkot ako.

Ipagpaumanhin ninyo kung sa gitna ng pagsasalita– ako ay hihinto, hihinga, dahil sa bigat ng aking kalooban.

Pero hindi yan ang dapat kong ihingi ng paumanhin. Hindi yan ang kasalanan ko sa bayan na dapat ihingi ko ng tawad.

Narito po ako, dahil sa tawag ng Iglesia ni Cristo para sa Transparency, accountability at hustisya.

At dahil sa tawag ng sarili kong konsensya, bilang Senador, bilang kapatid at bilang Pilipino.

Bata pa lamang kami ni Bongbong ay alam na ng buong pamilya ang problema.

Sa totoo lang, mababasa naman ng lahat ang mga testimonya ng aking ama patungkol sa kanyang ugali at gawain.

Noon, dahil may tatay kami, hindi ko pa sya responsibilidad.

Noong tumatanda, ay mas naging nakakabahala. Batid ko na, na nagda-drugs sya.

Nalaman ko at ng pamilya na seryoso ito. Minsan, mga PSG at Metrocom pa ang naglilinis tuwing nagpaparty siya. Namuhay kaming magkakapatid sa ibang bansa. Kami-kami lang.

Kinumbinsi ko si Bongbong na pakasalan si Liza.

Naisip ko noon, kapag nag-asawa siya, malalagay na sa tahimik at magkakaroon ng direksyon.

Ang laki ng pagkakamali ko.

Mas lumala ang kanyang pagkalulong sa droga.

Dahil parehas pala silang mag-asawa.

Naging gobernador sya ng Ilocos, alam ng mga tao doon na halos hindi siya pumapasok.

Tuwing kokomprontahin ko siya ay nagsasabi siyang magbabago na siya, aalisin na niya ang bisyo.

Hanggang sa may nagsumbong na naman sa akin na paggising nya sa umaga, kasabay ng kanyang almusal, marijuana pala.

Maghapon sila, lahat sila nag-iinuman, gumagamit ng cocaine kasama ng asawa at barkada.

Tulad ng ama ko kinastigo ang mga barkada nya, si Bong Daza, si Edwin Cruz, Inigo, Tony Boy, SAP Anton alam po ninyo yan.

Paano nagreresign na sa takot ang mga pulis nila at staff dahil sa lumalalang bisyo.

Inayos ko siya dahil gusto nyang ituwid ang buhay nya at gusto niyang mag bise presidente; Hindi siya pinalad at lalong nagkaroon ng oras para sa bisyo.

Simula noon, naging malabo sa amin ang lahat kaysa mag-away bigla na lamang lumayo ang loob namin sa isa’t isa.
Noong 2016, kasabay ng kampanya ni PRRD laban sa droga, lumabas ang pangalan ni Bongbong sa listahan.

Nakasama sya sa listahan ng “celebrities” kasama sina Maricel Soriano at iba pang artista.

Masinsinan kong kinausap si Pangulong Rody halos manikluhod ako.

Sinabi ko ayon sa kapulisan dapat unahing usigin nag mga pusher saka na lamang sagipin ang mga user.

Naligtas si Bongbong.

Labis ang takot ko at pag-aalala, kinausap ko siya at nagsabi siyang talagang siya ay nagbabago na.

Muli at lagi hindi ako nawalan ng pag-asa ako ay naniwala uli.

Mula noon, ang natatanggap ko na lang na balita tungkol sa kapatid ko ay regular na pagpapadoktor, kaya kumalma naman ako.

INisip ko talagang totoo dahil naoperahan na ang tuhod nya sa gout.

Siguro totoo na ito hanggang nito nalaman ko na tuloy ang paggamit nya sa mga party na garapalang naghahanda ng droga.

Pinagmamalaki pa ng mag-asawa na kayang-kaya daw nila ang micro dosage ng coccaine.

Hati-hatiin daw para apat na beses sa isang araw. Hindi mabibisto.

Pinalabas nilang mag-stemcell, nagpapalit ng dugo, nagpapablood transfusion kayang kaya raw.

Hindi ko maintindihan nag pinagsasabi.

Noong 2021, kahit papaano nagkikita kamni at nagkakausap, sumumpa siya sa aking harapan na talagang hininto na nya, Naniwala ako.

Sabi nya, gusto nyang tumakbo.

Ang sabi ko ay tutulong ako sa abot ng aking makakaya.

Ipinakilala ko si Bongbong kay Inday.

Naging magkatandem sila.

Pagkatapos noon ay biglang hindi na niya ako ulit kilala.

Kahit si Inday nagtataka bigla ako naitsapwera.

Kahit ganun nangampanya pa ako para sa kanya kahit si Inday na lang ang aking nakakausap.

Hindi ko alam bakit ako nakaban sa Headquarters nila sa Mandaluyong.

Hindi ko alam bakit walang nagrereport sa akin sa kampanya.

Sa totoo lang, masakit mang aminin, noong dinidisqualify na siya ay halos papaboran ko na sana dahil may nagsumbong sa akin mula sa kanyang campaign team na gumagamit na naman siya.

Noong sinabihan ko siya at ang mga tao sa paligid niya, nagkaisa silang tuluyan akong alisin sa kampanya na ako naman ang bumuo.

Sinabi nilang gusto ko syang madisqualify para ako ang pumalit. Hindi totoo yun.

Iniisip ko ang kalagayan ng aking kapatid at paano siya makakapagsilbi na ganyan nag kalagayan niya.

Meron ipinarating sa akin na hindi siya lulong at minsan na lamang kapag nagpaparty.

HIndi ko maipaliwanag bakit gusto kong maniwala at hindi nawalan ng pag-asa.

Noong nanalo siya, naging pinakamalayo na kami sa isa’t isa.

Malilban sa opisyal na tampuhan at tuwing pumupunta ang nanay namin hidni ako sumama sa loob ng tatlong taon sa malacanang.

Dahil lantaran na doon ang inuman, ang paggamit nila ng cocaine, ang bawal na gamot.

Hindi pa rin niya nakikita, naririnig, kakaiba na siya magsalita, hindi na maintindihan.

Kung anu-ano na ang sinasabi at wala na sa sarili,

Nagtatago sa kabaitan nya ang pang-aabuso nya sa droga at nagbunga na ito ng mga nakakapinsalang maling desisyon.

Hinayaan nyang kumilos ang mga nakapalibot sa kanya.

Yung mga umaastang presidente, habang nilululong siya ng mga ito.

Hindi na kami nagkausap.

Sa harap ng publiko ay pinipilit kong magmukha kaming maayos.

Pero wala na kaming koneksyon. Hindi ko hinihiling na maunawaan ninyo akong lahat kayo.

Sa palagay ko, ang mga makakaunawa lamang sa akin ay ang mga pamilyang may pinagdaanan na sa adiksyon sa inom, sa sugal, sa alak, sa bisyo higit sa lahat sa droga.

Kapag hindi ko siya nakakasama, buo ang aking loob na ipasok sya sa institusyon, Ipagamot o iparehab.

Pero tuwing maghaharap kami noon, hindi kaya ng kalooban ko na gawin iyon.

Tuwing magsasabi sya sakin na magbabago na siya, hindi ko siya kayang tiisin.

Hindi ko kayang ipagkait sa kanya ang pagkakataon at pagbabakasakali, umaasa ako at laging nananalangin na sana. Oo nga, nagbago na siya.

Hanggang dumating ang 2024 at 2025, Yung bisyo nya na ang dahilan ng pagbaha ng korapsyon.

Kawalang direksyon at maling-maling mga desisyon. Walang accountability, wala nang hustisya.

Hindi na niya alam ang nangyayari.

Hindi na pinapaalam sa kanya ang pangyayari.

Sinamantala ng mga ito ang paggamit nya ng droga.

Kinamkam na nila ang kaban ng bayan.

Habang ang mga dating tumatawag sa amin ng magnanakaw ay nakakita ng pagkakataong sirain ang lahat.

Nagagamit na nila si Bongbong para sirain si Inday,

Ititutulak pa nila si Bongbong at ang bayan sa bangin. Para umastang tagapagligtas.

Mula sa pagtatraydor at pagpapahamak kay VP Inday sa confidential funds na kung tutuuusin ay galing naman sa opisina rin ng presidente. Hanggang sa pagpapadukot sa dating Presidente para ipatapon sa ibang bansa.

Ang kabaitan ni Bongbong ay naging kalupitan.

Garapalan na ang pagtatakip sa kanya ng mga nasa Congress, sa Senado, mga miyembro ng kanyang gabinete.

Kitang-kita na ng taumbayan wala nang puwang ang kahihiyan.

Para bang nauulit ang bangungot ng kasaysayang dinanas namin noon.

68 years old ang tatay ko nung pinatalsik siya sa pwesto, 68 years old na rin si Bongbong ngayon,

November 17 noong 2021, nung nakumbinsi ko si Inday na magbise kay Bongbong.

November 18 bukas, ang ikatlong araw natin.

Siyam na taon na ang nakakaraan, saktong November 18 na pinalibing ni Pangulong Duterte ang tatay ko sa libingan ng mga bayani.

Halo-halo ang aking nararamdaman.

Pero alam kong ito ang dulo at hangganan ng aking pagtitiis at pananahimik.

Hindi na tayo mananahimik kahit dahil nalaman kong pati ang mga anak niya ay nagdodroga na.

Kinasusuklaman ko pa ang pag-alok ng mag-inang si Sandro ng droga sa aking anak at iba pang kamag-anak.

Yan ang hindi na mapapalampas.

Sa loob ng halos 4 na dekada, wala akong ibang pinangarap kundi maipakita sa sambayanan na hindi kami masamang tao.

Hindi masama ang pamilyang Marcos.

Gusto kong ibangon ang dangal ng aking ama

Sa pamamagitan ng pagtatrabaho para sa bayan.

Sinikap kong maging mabuting gobernador, kinatawan at senador.

Hindi ako halos nagpapahinga, para makapag-iwan sana ng legasiya ma kapag sinabing MARCOS ay nabawi na namin ang tingin sa nakaraan.

Ngunit sa kagustuhan kong maging responsableng anak, matupad ang pangako ko sa aking ama nabigo akong maging mabuting kapatid. Naging mahina ako kay Bongbong.

Sa kapulisan, sa lahat ng mga lider at tagapagpatupad ng batas, siya ang Pangulo natin ngayon.

Sinabi ko kung anong kalagayan nya ngayon, tulungan nyo akong mapabuti ang kanyang kalagayan.

Tulungan nyo akong matulungan siya.

Hindi niya ako kalaban.

Ang kalaban nya ay ang sarili niya.

At nadadamay ang bansa sa laban na iyon.

Bilang Senador at Lingkod-bayan, batid ko ang mga problema at gaya ng bayan, alam ko rin ang solusyon:

Sa pagkakawatak-watak, patuloy na pamumulitika, pagnanasa sa kapangyarihan ng mga talunan naman.

Kaguluhan sa Mindanao, alanganing gyera sa China at Estados Unidos.

Kawalang-pananagutan sa flood control scam. Garapalang takipan.

Panggigipit sa hindi kaalyado.

Pagkakanulo sa kapwa Pilipino.

Pagdakip sa dating pangulo matandang maysakit upang ihagis lamang sa bansang dayuhan.

Pagsadsad ng piso.

Paglala ng gutom.

Paghihingalo ng ekonomiya.

At pagsasawalang-bahala sa taumbayan.

Ang delubyo’t kalamidad na nagdudulot ng parusa.

Ang korapsyon na nauwi sa kawalang tiwala at hustisya sa Pilipinas.

Sa kanyang pamahalaan– lahat ng yan ay masosolusyunan, kung Ikaw, aking kapatid, magsaayos ng iyong sariling kalusugan.

Kapag humupa ang ingay sa pulitika, kapag umuwi na kami sa aming pamilya.

Hindi bilang Senador, kundi bilang Ate, bilang si Manang Imee ni Bonget Kaya ko itong sabihin sa harap ng taumbayan at sa harap ninyong lahat at sa harap ni Bongbong:Bonget, tatlong taon na tayong hindi nagkakausap. Tatlong taon ko nang sinusubukang muli mo akong pakinggan, Siguro ngayon ay makakarating nang buo ang gusto kong sabihin. Walang mababawasan, hindi madadagdagan. Bongbong, Nag-aalala sayo si Manang. Tuwing nakikita kita sa TV, gusto kitang puntahan. Napakalaki ng pinagbago mo. Itsura, pagsasalita at takbo ng pag-iisip, Minsan nagtatanong ako sa sarili ko, kung ikaw pa ba yan. Si Bongbong ba talaga yang nakikita ko? Pero ako, ading, ako pa rin ito. Ako pa rin ang ate mo na tumayong ama’t ina sa inyo sa ibang bansa. Ang kasama mo at sumubok na sanggain lahat ng sakit para sayo. Ang kapatid mo na hindi mo kailangang hingan ng tawad dahil agad ka nang iniintindi at tatanggapin dahil mahal kita.

Nasa bagong tipan. Kay Lukas 17: 3-4,

“Kung magkasala ang iyong kapatid, sawayin mo siya; At kung siya’y magsisi, patawarin mo siya.”

Tama na ading ko, tapusin mo na paghihirap mo at ng bayan.

Gaya noong umalis tayo sa palasyo, kaya ko pa ring hawakan ang iyong kamay, wag kang matakot.

Malaki na ang dulot sa iyo ng droga.

Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ako nakinig sa mga sumbong, hindi ako nakialam, hindi ako naniwala.

Pero hindi pa huli ang lahat, tama na ading ko magpahinga na tayo.

Umuwi na tayo.

Magpagamot ka, magpagaling At nangangako ako, hindi ako malilingat, hindi ako magkukulang.

Lahat ng kasama mo ngayon, hindi natin kasama sa pinakamadilim na bahagi ng buhay natin.

Kasama mo sila ngayon dahil nasa taas ka pa.

Ako, at ang ating tunay na kapatid dito sa Luneta kasama mo ako kahit magdilim ulit ang lahat.

Talikuran mo na ang iniisip at ibinubulong nilang ambisyon.

Unahin na natin ang kalusugan mo, dahil sa adiksyon– nabigyan mo ng karamdaman ang bansa.

Matatanda na tayo, sakitin na si Mommy. Alagaan na lang natin ang isa’t isa.

Kaliwa’t kanan man ang panghuhusga sa akin. Malinaw sa aking puso na dapat mauna ang Diyos, Bayan, Pamilya, Sarili.

Hanggang sa mga oras na ito, Bonget, Gusto kong malaman mo na hindi kita sinusukuan.

Hindi ko kakayanin kung mapapahamak ka.

Kaya hinihingi ko na tayo’y umuwi na, mamahinga, alang-alang sa iyong kalusugan.

Kaya kong mabigo at mawala sa iyo ang posisyon

Pero hindi ko kayang mawala ka sa amin.

Ayusin mo ang sarili mo, magpagamot ka, magpagamot, alisin ang droga sa iyong Sistema.

Wala akong ibang gusto kundi gumaling ka at malampasan natin ito muli.

Dahil wala akong ibang hinangad bilang ate, kundi maging masaya ka.

Maging ligtas ka at malusog, maging matagumpay sa buhay. Itama ang mali, labanan mo ang adiksyon, At ako, hindi kailanman aalis sa iyong tabi.

Susuporta at hindi titigil manalangin kasama ninyo dito sa Luneta at sa buong mundo dahil iyon naman ang tungkulin at ibig sabihin ng salitang KAPATID.

Kapatid, mabuhay kayo!