Nanatiling matibay ang paniniwala ni Commission on Elections Region 10 sa pamumuno ni Regional Director Renato Magbutay na ma itutuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre 2, alinsunod sa orihinal na iskedyul.
Sa panayam ng Bombo Radyo, nilinaw ni Magbutaty na ang mga inihaing panukalang batas sa House of Representatives para ilipat ang halalan sa taong 2028 ay pawang mga bill pa lamang at malayo pa bago maging ganap na batas.
Habang naghihintay ng pinal na desisyon, pinaalalahanan din ng opisyal ang mga lider na sundin ang kasalukuyang iskedyul dahil ipinahayag ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang basta-bastang pagsuspinde ng eleksiyon nang walang matibay at pormal na dahilan.











