Binatikos ni Tingog Partylist Representative Jude A. Acidre ang tila organisadong scam sa paggamit ng confidential funds sa DepEd at OVP matapos hintayin ang testimonya ni Attorney Michael Poa.
Naniniwala ang mambabatas na ang pagharap ng dating chief of staff ang magpapatibay sa buong posisyon ng panig ng prosecution sa kaso.
Ayon sa kaniya, ang paglitaw ng parehong pattern ng discrepancy sa dalawang ahensya ay sapat na patunay sa patuloy na pag-abuso sa pondo.
Binigyang-diin ng solon na ang pagpapalabas at paggasta sa naturang pera ng bayan ay tahasang lumabag sa mga umiiral na tuntunin.
Idinagdag pa niya na ang lahat ng paggasta ay ginawa nang hindi sumusunod sa mga pamantayan ng Joint Memorandum Circular.
Dahil dito, nananatiling hamon sa depensa na patunayang malinis ang naging proseso sa paggamit ng confidential funds.











