Kumikilos na ang mamamayan sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga pirma laban sa paghahari ng ilang pamilya sa politika.

Ayon kay Archdiocese of Cagayan de Oro Social Action Center Coordinator Bong Florendo, napilitang kumilos ang publiko matapos pabayaan ng mga politiko ang naturang probisyon ng Saligang Batas sa loob ng 40 taon.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan ang grupo nina Rev. Fr. Roger Gabac at Archbishop Jose Cabantan upang hikayatin ang publiko na suportahan ang Dapat Isa Lang movement.

Kaagapay rin ng tanggapan ang Xavier University at iba pang mga grupo upang matiyak na maipasa ang batas na magtatakda ng bawal sa pagsasama-sama ng kapangyarihan sa iisang pamilya lamang.