Binatikos nang husto ni Atty. Pat Trimor ng Trimor Law Office ang 32 araw at 13 linggong takbo ng impeachment trial laban kay Bise Presidente Sara Duterte sa gitna ng pananatiling kulang sa matibay na ebidensya ng prosekusyon.

Batay sa pagtatasa ng abogado, nakalulungkot at kulang sa paghahanda ang prosekusyon dahil puro lamang paratang at kuwento ang dinala nito sa impeachment court at hindi napatunayan ang akusasyon laban sa Bise Presidente.

Binatikos din ng legal practitioner ang pagpapakita ng mga testigo na walang konkretong batayan na kailangang sagutin ng depensa.

Dahil dito, ipinahayag ng abogado ang malaking kalungkutan ng mga nakatutok na legal practitioner dahil sa aksayang paggastos ng milyon-milyong pondo ng bayan sa mga pagdinig na wala namang substansya.