Non-partisan o walang pinapakingang paksyon ang petisyon ng United People’s Initiative, na siyang pangunahing pagkakaiba nito kumpara sa unang tatlong apela na inihain ng ibang grupo kaugnay ng voting threshold sa impeachment court.
Nilinaw ng legal counsel ng organisasyon na si Atty. Melchor Magdamo na ginawa ang naturang prayoridad upang matiyak ang katarungan at patas na pagpapatupad ng batas.
Ipinaliwanag ng abogado na nakatutok lamang para sa kapakanan ni Vice President Sara Duterte ang mga naunang mosyon mula sa kampo nina Atty. Vic Rodriguez, Ernest Francisco, at Berteni Causing.
Dahil dito, tiniyak ng grupo na sakop ng apela ang lahat ng impeachable public servants kabilang na ang mga mahistrado ng Supreme Court upang maitama ang patakaran.











