Kabaligtaran sa pangamba ng marami kaugnay ng pagpapatupad ng Pax Silica, ipinahayag ni CoRRECT Movement Lead Convenor Orion Perez Dumdum na mas mabuting pakinabangan ng Pilipinas ang naturang oportunidad mula sa US upang hindi na kailangang mangibang-bansa ng mga Pilipino para lamang magtrabaho.
Nilinaw ni Dumdum na hindi magtatayo ng mga data center ang bansa dahil mainit ang klima sa Pilipinas, ngunit mas magtutuon ito sa pagproseso ng sariling mga mineral tulad ng nickel at sa paggawa ng mga semiconductor chip.
Dagdag pa ng naturang opisyal, imbes na ilabas ang mga raw mineral, mas mabuting dito na ito iproseso upang direktang magamit ng mga lokal na pabrika at semiconductor companies.
Dahil dito, ang mga dayuhang kompanya na ang pupunta sa Pilipinas, dahilan upang makapagtrabaho sa sariling bansa ang mga lokal na IT professional at iba pang mga manggagawa imbes na mag-OFW.











