Inirekomenda ng Roads and Traffic Administration ang pagdaragdag ng 27 unit ng local public utility vehicle upang aksyunan ang reklamo ng mga komyuter sa area ng Barangay Bayabas at Kauswagan na hindi na dinadaanan ng mga jeep na bumibyaheng Carmen.

Nilinaw ni LTFRB Region 10 Director Aljo Bendijo na ang nakaplanong augmentation ay kinabibilangan ng sampung unit sa Bayabas RA, labindalawa sa Bayabas RB, at limang unit sa Bayabas RAC route.

Idinisenyo ang hakbang upang matugunan ang araw-araw na pangangailangan sa transportasyon ng mga residente, estudyante, at mga manggagawa na nagdurusa sa kakulangan ng masasakyan.

Upang maipatupad ang plano, kakausapin umano ng ahensya ang mga kooperatiba at transport groups upang matiyak ang ligtas at maaasahang serbisyo ng pampublikong sasakyan sa mga nabanggit na lugar.