Ipinagtanggol at ipinaliwanag ni Atty. Dale Mordeno ng Mordeno Law Office ang mekanismo ng Anti-Money Laundering Council sa pagmo-monitor ng mga malalaking transaksyon sa bangko sa gitna ng patuloy na imbestigasyon sa Bise Presidente.

Inihayag ng abogado na hindi direktang makapagsasabi ang tanggapan na mula sa ilegal na pinagmulan ang pondo ng Bise Presidente maliban na lamang kung may pormal na sumbong o reklamo.

Ipinaliwanag ng opisyal na ang pamamaraan ng tanggapan ay ang pagpapalabas ng freeze order at forfeiture proceedings kung may pondong pinaghihinalaang ginamit laban sa seguridad o batas.

Idinagdag ng abogado na isang hamon pa rin sa gobyerno ang pag-akusa sa mga matataas na opisyal sa pamamagitan ng kasalukuyang sistema ng AMLC.