Binigyang-babala ng Roads and Traffic Administration sa pamumuno ni Department Manager Doy Ramiro ang mga drayber ng pampublikong jeepney sa Kauswagan, Bonbon, at Bayabas na sumunod sa itinalagang linya papuntang Carmen man o Highway.
Inilabas ng tanggapan ang paalala dahil sa mga natanggap na reklamo mula sa mga pasahero sa mga nabanggit na lugar na wala nang masakyang jeepney patungong Carmen dahil halos lahat ay sa Highway na dumadaan.
Ipinaliwanag ng opisyal na nag-ooperate out of route ang ilang drayber dahil sa kakaunting pasahero, na nagiging dahilan ng double ride at karagdagang gastos para sa publiko.
Idinagdag ng tanggapan na magbibigay muna ng paunang babala at pagsusuri sa pangangailangan ng komyuter bago magpatupad ng direktang panghuhuli upang hindi na makarating pa sa LTFRB ang mga reklamo.










