Pangungunahan ng Professional Regulatory Board of Criminology ang inihandang oathtaking ceremony para sa mga bagong pasadong criminologist sa Cagayan de Oro at buong Region 10.

Ipinahayag ng chairman ng komisyon na si Atty. Ramil Gabao na kumpleto ang kanilang board na dumating sa lungsod upang manguna sa paghahanda kasama ang mga lokal na opisyal.

Nilinaw ng opisyal na pinagsisikapan ng kanilang grupo kasama ang Professional Criminologists Association of the Philippines na maging masigla at maayos ang pagtanggap sa mga bagong propesyonal

. Idinagdag pa ng opisyal na dalawang beses sa isang taon isinasagawa ang naturang panunumpa kaugnay na rin ng dalawang board examination taun-taon sa bansa.