Iginiit ni Councilor Roger Abaday na isang malaking ginhawa sa trapiko at pagsisikip sa downtown ang maidudulot ng paglipat ng City Hall patungong Upper Carmen.
Ipinahayag ng opisyal na giniyahan ng mayorya ng konseho ang suporta sa pag-loan ni Mayor Rolando Uy ng 8.5 bilyong piso sa bangko para sa pagpapatayo ng pinaplano na government complex.
Nilinaw ng opisyal na napakapaki-pakinabang ng 22-hektaryang lupain dahil magbibigay ito ng sapat na paradahan at isang kumportableng one-stop shop para sa mga nagbabayad ng buwis.
Idinagdag pa ng opisyal na makatutulong din ang naturang hakbang sa pagpapalawak ng negosyo at pag-unlad ng mga kalapit na barangay sa lungsod.











