Nangako si Nazareth Punong Barangay Atty. Regine Rodriguez ng walang patid na pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang nabiktima ng sunog sa 9th-21st Street na kumitil ng dalawang buhay noong nakaraang araw.
Ipinahayag ng kapitana na ipagkakaloob ng lokal na pamahalaan ang lahat ng kinakailangang suporta mula sa Quick Response Fund, personal na pondo, at mula sa tanggapan ni Congressman Rufus Rodriguez.
Nilinaw ni Rodriguez na bukod sa pag-aasikaso sa libreng autopsy ng dalawang nasawi, tutulong din ang barangay council sa lahat ng pangangailangan hanggang sa paglilipat ng mga biktima sa napiling funeral parlor.
Dagdag pa ng opisyal, mananatili ang tanggapan na magmo-monitor at magbibigay ng seguridad para sa lahat ng pamilyang nawalan ng tirahan sa gitna ng naranasang trahedya.









