Binatikos ng DDS Sara All Confederation ang inilarawang ginagawang mind conditioning upang mabilis na makumpirma ang hatol laban kay Vice President Sara Duterte sa nagpapatuloy na impeachment trial.
Nilinaw ni DDS Sara All Confederation Legal Counsel Atty. Raymond Batu na ginamit ng prosekusyon ang pampublikong paglalabas ng mga akusasyon upang ikondisyon ang opinyon ng taumbayan kahit na walang matibay na ebidensya.
Nilinaw ng abogado na nakita ang malinaw na pagkiling ng ilang senator-judges kung saan ipinatupad din ang pagpapababa ng threshold upang mas mabilis na makuha ang kinakailangang boto sa senado
. Dagdag pa ni Batu, nanindigan ang grupo na may mas matalim at paborableng paliwanag ang defense team kaya hindi dapat magpa-prejudge ang komunidad sa naturang isyu.










