Puna ng DDS Sara All Confederation ang inilarawang taktika ng prosekusyon sa pag-iwas at pagmamadali sa paglalabas ng hilaw na financial analysis na nag-aakusa ng 817 milyong pisong undeclared assets laban kay Vice President Sara Duterte.
Nilinaw ni DDS Sara All Confederation Legal Counsel Atty. Raymond Batu na isang uri ng pag-iwas sa buong katotohanan ang pagmamadali sa pagpapakita ng testimonya ng financial analyst at mga rekord mula sa BIR at AMLAC na parehong nasa ilalim ng Executive Department.
Nilinaw ng abogado na naging biased at tila isang gawang “storytelling” lamang ang naturang ulat dahil sadyang hindi isinama ang panig at eksplanasyon mula sa depensa.
Dagdag pa ni Batu, ginawa ang naturang pagmamadali upang ikondisyon lamang ang opinyon ng publiko bago pa lumabas ang mas mabigat at direktang kontra-ebidensya at sariling financial analyst ng defense team.











