Naniniwala si Oro Chamber President Engineer Al Brito na bahagi na ng kasaysayan ang ipinakitang serbisyo ng kasalukuyang City Hall at panahon na upang bigyan ito ng pagbabago para maging angkop sa isang highly urbanized city.
Subalit hiningi ng opisyal na kinakailangang maging transparent at bukas ang lahat ng proseso mula sa pag-aaral hanggang sa pagpapatupad ng 8.5 bilyong pisong Government Complex.
Pinuri rin ni Brito ang isinagawang thorough assessment ng Technical Working Group kung saan 30 enumerator ang ipinakatap sa 80 barangay upang kumuha ng datos sa trapiko, kapaligiran, at socio-economic situation.
Kaya naman hiling ng business sector na ipagpatuloy ang pagiging transparent ng proyekto upang matiyak na magiging kapaki-pakinabang at epektibo ang bagong complex para sa lahat ng negosyo at residente sa lungsod.











