Itinuturing na isang malungkot na katotohanan sa politika ang naobserbahang kalidad ng mga opisyal sa Senado habang nagpapatuloy ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte.

Ipinahayag ng miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan na si Rauf Sissay na maraming senador ang nakatutok lamang sa sariling interes imbes na sa ikabubuti ng mamamayan at sa katotohanan.

Ipinaliwanag din ng opisyal na nakadepende lamang sa sariling kapakinabangan ang pagboto ng mga senador at hindi dahil sa mga ipinakitang ebidensya sa kaso.

Dahil dito, nanawagan ang grupo sa publiko na magpatuloy sa pagkilos upang mapilitan ang mga lider na bumoto nang naaayon sa katarungan at karapatan ng taumbayan.