Hindi awa kundi malaking pambabatikos ang naging tugon ng Bagong Alyansang Makabayan sa pag-iyak ni Kongresista Mikaela Suansing sa budget hearing.
Ipinahayag ni Rauf Sissay ng BAYAN na arte at parang “luha ng buwaya” lamang ang naturang eksena habang nananatiling gutom at kulang sa serbisyo ang mamamayan.
Ayon sa grupo, malaki ang posibilidad na kagalakan ang naturang luha dahil sa bilyon-bilyong pondong natanggap ng mga distrito bilang paghahanda sa susunod na eleksyon.
Binatikos pa ng grupo ang drama ng mga politiko na mas nag-iisip pa sa kanilang makukuhang kickback at pwesto kaysa sa tunay na tulong sa bansa.










