Itinuro ng Philippine Movement for Climate Justice ang sabay-sabay na pagbaba o pagkapundi ng mga coal power plant na siyang dahilan ng Red at Yellow Alert sa Mindanao kahit pa sobra ang kuryente sa isla.
Batay sa isinagawang pananaliksik ng grupo, sunod-sunod na nagkaroon ng outage ang mga planta sa Lanao del Norte at Misamis Oriental kaya nagkulang ang supply.
Dahil sa naturang outage, napilitan ang mga electric cooperative na bumili ng kuryente sa WESM kung saan mas mahal ang presyo.
Ang karagdagang bayaring ito ay direktang ipinapasa at pinapapasan sa buwanang bill ng mga konsumidor habang walang ginagawang aksyon ang Department of Energy.










