Hiningi ni Mayor Rolando “Klarex” Uy ang pag-unawa at suporta ng mamamayan sa planong pag-utang ng 8.5 bilyong pisong pondo mula sa bangko para sa pagpapatayo ng bagong Government Complex.
Nilinaw ng lider ng lungsod na ang hakbang ay ginawa upang iisang lugar na lamang ang pupuntahan ng mga tao at hindi na mahirapan, mapagod, at magastos sa pagproseso ng mga dokumento sa mga lokal at nasyonal na tanggapan.
Hiling ng ama ng lungsod na tingnan ang kinabukasan ng lungsod dahil ilang taon mula ngayon, mahirap nang maghanap ng malaking lupa at mas tataas pa ang hirap sa serbisyo kung hindi ito paghahandaan.
Kaya naman hiling ng alkalde ang tulong at suporta ng lahat upang matuloy ang proyekto na magbibigay ng kaginhawaan sa mga anak at sa mga susunod na henerasyon.











