Nilinaw ni dating Mayor Atty. Oscar Moreno na wala siyang naging plano noon na magpatayo ng bagong Government Complex noong siya ay nanunungkulan pa sa pamahalaan.
Nilinaw ng dating alkalde na ang pondo ng lungsod ay kinakailangang idirekta sa pagbibigay ng batayang serbisyo sa mamamayan at hindi sa pagpapatayo ng maganda o mahal na tanggapan.
Ipinahayag din ng opisyal na pinakamahalaga ang pag-aasikaso sa mga ospital tulad ng JR Borja General Hospital at sa mga barangay health center kaysa sa paglilipat ng City Hall.
Kaya naman naniniwala si Moreno na hindi tamang isakripisyo ang serbisyo publiko at gastusin ang pera ng mamamayan para lamang sa naturang malaking proyekto.











