Kinondena ni Atty. Oscar Moreno ang planong pag-utang ng 8.5 bilyong piso para sa paglilipat at pagpapatayo ng bagong City Hall dahil isa lamang umano itong paraan upang makakuha ng pondong magagamit sa eleksyon.
Nilinaw ng dating alkalde na kadalasan kapag malapit na ang panahon ng botohan, nag-iisip agad ang pamahalaan na mangutang upang magamit sa mga pampolitikang gawain.
Ipinaalala rin ng opisyal sa mamamayan na ang publiko pa rin ang magbabayad sa inutang na pera sa pamamagitan ng mga buwis sa mga susunod na taon.
Kaya naman hinimok ng dating alkalde ang lahat na unawain ang tunay na layunin sa likod ng isinusulong na malaking loan ng lungsod.











