Nilinaw ni Sangguniang Panlalawigan Committee on Finance Chairman Romel Maslog na hindi maaapektuhan ang mga batayang serbisyo sa lalawigan kahit na wala pang napaprosesong corrective measures para sa 2026 budget.

Nilinaw ng opisyal na ang mga operasyon sa ospital, pagbili ng gamot, at lahat ng social services ay kinikilala bilang essential expenses na patuloy na may pondo at hindi pwedeng ipatigil.

Ipinahayag din nito na yaon lamang mga bagong proyekto at kontrata na hindi pa nasisimulan ang ipinagbabawal sa batas habang nananatili ang lalawigan sa re-enacted budget.

Dahil dito, tiniyak ng komite na patuloy silang hahanap ng paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan habang nakatutok sa paglutas ng naturang isyu sa DBM.