Pinanindigan ni dating Oro Chamber official Ray Talimio Jr. ang kakayahan ng lungsod ng Cagayan de Oro na makapagbayad sa hinihiling na 8.5 bilyong pisong loan para sa pagpapabuti ng serbisyo.
Nilinaw ng opisyal na napatunayan sa mga pag-aaral ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) na hindi mabibigatan ang pamahalaan sa debt servicing.
Iginiit din ng lider na malaking kapakinabangan ang makukuha ng mga negosyante at ng mamamayan kung maililipat ang City Hall sa mas malawak na lugar na may sapat na paradahan.
Kaugnay nito, itinuturing ng opisyal na isang matalinong hakbang ang pag-utang sa naturang pondo para sa kinabukasan ng lungsod.











