Mismong ang dating diplomat na si Atty. Jojo Lacanilao ang nagulat sa pag-withdraw ng prosekusyon sa tatlong artikulo sa impeachment trial laban sa Bise Presidente.
Nilinaw ng abogado na nauunawaan niya ang galit ng defense panel dahil nawalan sila ng pagkakataong makapagpakita ng depensa, ngunit karapatan pa rin ng prosekusyon ang pag-withdraw sa kaso.
Bukod dito, nanghinayang ang opisyal sa naunang mungkahi ng mga senador na magprisinta agad ng ebidensya ang bawat panig sa bawat artikulo dahil tinanggihan ito noon ng depensa.
Kaugnay ng nangyari, ipinahayag ng dating diplomat na wala siyang nakikitang legal na problema sa isinagawang hakbang ng prosecution panel.











