Binigyang-diin ng grupo na mahalagang makumpleto ang lahat ng kuwento at sagot sa mga alegasyon laban kay VP Sara Duterte.

Ipinahayag ng legal counsel na si Atty. Raymond Batu na ito sana ang inaasahan ng karamihan ngunit inalis ng prosekusyon ang tatlong artikulo ng impeachment.

Nagbabala rin ang abogado na kahit pa inatras na ang mga naturang kaso, gagamitin pa rin ito ng oposisyon sa taong 2027 bilang masamang optics.

Dahil dito, nilinaw ng lider na nagpapakita lamang ito na walang kasalanan ang Bise Presidente dahil handa naman itong magprisinta ng tunay na depensa.