Nakipagkita si Cagayan de Oro City Mayor Rolando “Klarex” Uy sa mga miyembro ng RTA upang paalalahanan ang mga tauhan ukol sa sinasabing ilegal na gawain ng ilang enforcer sa lungsod.
Ginawa ito sa ginanap na oryentasyon ng RTA noong Linggo upang ipaalaala sa mga opisyal ang patas na pagpapatupad ng batas sa kalsada.
Bukod dito, binigyan ng pagkakataon ang mga sangkot na itigil na ang pagtanggap ng bayad sa pamamagitan ng GCash at iba pang ilegal na pangongolekta sa kalsada.
Dahil dito, nilinaw ni RTA Head Doy Ramiro na hindi itotoleror ng tanggapan ang pag-abuso at inimbita nito ang publiko na mag-report sa opisina kung makararanas ng mga pasaway na tauhan.











