Kitang-kita at ramdam na sa lungsod ang pagiging abala at ang masikip na daloy ng trapiko dahil sa pagdami ng mga sasakyan, delivery trucks, at mga bisita sa mga mall ngayong Ber Months.
Ipinahayag ni RTA Head Doy Ramiro na nakikipag-ugnayan na ang tanggapan sa mga nasyonal na ahensya upang maipatupad ang mga paraang magpapadali sa biyahe sa lungsod.
Bukod dito, tiniyak ng pamunuan na gagawin ng mga enforcer ang responsibilidad upang maprotektahan ang kapakanan at kaginhawaan ng mga komyuter at mamimili.
Dahil dito, nilinaw ng opisyal na hindi mag-aatubili ang RTA na magpataw ng parusa laban sa mga tauhan o drayber na pasaway at lalabag sa batas sa kalsada.










