Habang ipinagdiriwang ang Breast Cancer Awareness Month ngayong buwan ng Oktubre, ipinahayag ni Dr. Elaine Mae Cabonce na 65 porsyento ng mga pasyente sa bansa ay nasa advanced stage na kapag nagpapakonsulta.
Iginiit ng doktor na upang makapagligtas ng buhay, kinakailangang magsimula ng self-examination sa edad na 20 taong gulang at sa klinika naman sa edad na 40 taong gulang.
Subalit, itinuro ng eksperto na ang pagiging babae at ang kasaysayan ng pamilya ang mga pangunahing risk factors sa naturang sakit.
Dahil dito, nanawagan ang doktora ng agarang pagpapa-screen sa mga ospital habang hindi pa huli ang lahat.











