Lubos na iginiit ni Ateneo de Davao University Associate Professor Dr. Christopher Ryan Maboloc na kinakailangang harapin na ni Vice President Sara Duterte ang inihain na impeachment trial ngayong iniatras na ng prosekusyon ang tatlong artikulo.
Ipinahayag ng akademiko na malaking talo para sa Bise Presidente kung mag-walkout ang depensa dahil pwedeng ma-forfeit ang karapatan nitong madinig at maipagtanggol ang kinakaharap na kaso sa Senado.
Subalit, itinuro ng propesor na dehadong-dehado na ang Bise Presidente dahil ginamit ng mga kalaban ang buong makinarya ng gobyerno upang harangan ang kanyang mga pampolitikang hakbang para sa taong 2028.
Kaya naman, iginiit ni Maboloc na mahalagang masagot na talaga ang mga akusasyon upang mabigyan ng paglilinaw ang publiko.











