Halong saya at lungkot ang naramdaman ng mga lokal na taxi driver at operator sa lungsod ng Cagayan de Oro sa gitna ng paglipat patungo sa mga electric vehicle.
Nagpahayag si CAFITADA President Bernie Jamaca na nanghihinayang sila sa mga maayos pa na unit ngunit kinakailangan nang i-standby dahil sa mahal ng petrolyo.
Dahil dito, ginawa ng mga operator ang drop and substitution upang makatipid sa gastusin sa operasyon.
Subalit, umaasa ang samahan na mahahandugan sila ng zero downpayment na programa mula sa mga bangko.











