Naghahanda na ang International League of Peoples’ Struggles sa posibleng pagsusulong sa Kongreso na maging batas ang Pax Silica manufacturing park sa Capas, Tarlac sa pamamagitan ng House Bill 11758.
Ayon kay ILPS Secretary General Atty. Arnold Padilla, tila pinupuntiryang maratsada ang naturang hakbang sa loob ng unang quarter ng 2027 bago pa lumitaw ang eleksyon, budget, at impeachment.
Nilinaw ni Padilla na kahit kontrobersyal ang proyekto, nagbubukas ito ng daan para sa public hearing, committee debate, at panawagan sa publiko upang maharangan kung nararapat man.
Dagdag ng abogado, mas mabuting malinaw sa batas ang laman ng panukala at ang mga ipinangako ng gobyerno upang makapaghanda ang mga tutol sa proyekto.









