Hinikayat ni Cagayan de Oro City Councilor Eric Salcedo na pahintulutang magpatuloy ang mga lehitimong sand and gravel operator sa Iponan River na walang paglabag sa gitna ng moratorium sa pagmimina sa Opol.
Ayon kay Salcedo, nadamay ang legal na sand and gravel dahil sa mga paglabag sa ginto at sa paggamit ng ilang permit sa ilegal na pagmimina simula pa noong 2024.
Ayon kay Salcedo, nararapat lamang na sumuporta ang alkalde ng Opol sa pag-aksyon sapagkat doon sa Opol nagmumula ang pinagmulan ng ilegal na pagmimina.
Ngunit, nilinaw din ni Salcedo na dapat tutukan ang aktibidad sa itaas na bahagi malapit sa Opol at sa boundary ng Tuburan upang hindi madamay ang mga sumusunod sa batas.











