Walang nakitang malinaw na direksyon sa ekonomiya ng bansa si SENTRO Secretary General Josua Mata dahil sa kawalan ng malinaw na industrial policy sa ipinapasang budget ng Kamara.
Nagpahayag si Mata na nakalilito at malaking panganib na hindi nakita ng grupo ang totoong plano ng gobyerno para sa ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ni Mata, inaabangan na ng grupo ang pagpasok ng Senado sa plenary deliberation matapos ang marathon hearing upang suriin ang paglalaan ng pondo.
Naniniwala si Mata na dapat unahin ng Senado ang totoong pangangailangan ng ekonomiya bago ipasa ang budget.











