CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na naka-abot sa hearing ang isang abogado mula sa lungsod ng General Santos matapos atakehin sa puso.
Nangyari ang insidente sa loob ng legislative building City Hall nitong syudad.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Department head Allan Porcadilla, nadatnan nilang nakaupo sa silya na walang malay si Atty. Cornelio Gallajo III.
Humingi ng saklolo ang kanyang pinsan nang malaman nitong hindi na nagsasalita si Atty Gallajo.
Mabilis na rumesponde ang team ng CDRRMD para sa pangunang lunas at agad dinala sa pagamutang ng Polymedic ng Velez Sts., nitong syudad.
Aniya, umabot sa pitong attempt ang pag-revive ng mga doktor sa biktima subalit bumagsak na ang katawan ng nasabing abogado.
Una rito, inamin ng pamilya Gallajo na may nakabakit na pacemaker sa biktima at posibleng na hindi nito nakayanan ang pagod sa mahigit walong oras na pagbyahe mula GenSan.