Binatikos ni Masa Sara Duterte Alliance (MASADA) Leader Ben Ranque si Presidente Ferdinand Marcos Jr. bilang author ng failed state matapos iugnay ng pangulo ang Bise Presidente sa bansang China.
Nilinaw ng lider na may gawi ang pangulo na magturo at manisi ng iba sa kabila ng kawalan ng solusyon sa lumalalang krisis sa ekonomiya.
Binatikos din ng alyansa ang pahayag ng administrasyon ukol sa paghahanda ng balde para sa El Niño na inilarawan nitong walang hawak na malinaw na plano para sa mamamayan.
Dahil dito, nanawagan ang grupo na mas mabuting bumaba na lamang sa pwesto ang pangulo at umuwi sa Ilocos upang magtanim na lamang ng kamote.











