CAGAYAN DE ORO CITY – Hiningi ni Philippine Army Chief Lt General Cerilito Sobejana sa national government na buhusan pa ng mga programang pangkabuhayan ang mga residente sa Mindanao partikular ang ilang probinsya na pinagtataguan ng mga teroristang grupo katulad ng Abu Sayyaf.

Ito ay kung gusto ng pamahalaan na mabawasan kung hindi man tuluyang mapigil ang paghahasik kaguluhan ng mga terorista kung saan direktang apektado ang mga inosenteng sibilyan at ang ekonomiya ng kabuuan.

Ginawa ni Sobejana ang pahayag alinsunod sa ninanais nitong maging mas ligtas para sa lahat titirahan ang bansa dahil nabawasan o napigilan ang mga perhisyo na ginawa ng mga terorista.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Sobejana ang komprehensibong economic programs umano na kinasangkutan ng mga ahensya ang gobyerno ang dapat mapaabot sa mga kapus-palad na mga residente na madaling tamaan ng mga idolohiya ng mga terorista o mga rebeldeng grupo upang mag-alsa laban sa estado.

Inihayag ng heneral na hirap mapigilan ang mga pag-alsa kung wala namang mga programa na sasalo sa mga taong na-brainwash ng mga kaaway ng gobyerno.

Si Philippine Army Chief Lt General Cerilito Sobejana

Magugunitang ginawa ni Sobejana ang pahayag ilang araw ang makalipas nang maaresto ng militar ang mga terorista na kabilang sa Indonesian terror group na sina Rezky Fantasya Rullie alyas Cici,India Nurhaina na aswa ni ASG sub-leader Ben Tatoo at Fatima Sandra Jimlani.