CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinaluksa ngayon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas partikular sa Western Mindanao Command ang pagpanaw ng kanilang deputy commander ng 103rd Infantry Brigade na si Army Col Nolie Anquillano na nakabase sa Camp Ranao,Marawi City,Lanao del Sur.
Kaugnay nito ng kanyang pagkalunod habang kasama sa ibang mga sundalo na nagsasagawa ng scuva diving sa Purok 6,Barangay Tubigan,Initao,Misamis Oriental.
Sa isang pahayag,binanggit ni AFP WesMinCom commander Lt Gen Alfredo Rosario Jr na maliban sa pulisya ay magsasagawa rin sila ng sariling imbestigasyon upang tukuyin kung walang foul play sa nangyari sa 54 anyos na si Anquillano.
Pagtitiyak ito ng opisyal habang nagpaabot nang pakiki-dalamhati sa pamilya ng opisyal na nagulantang pangyayari.
Unang natukoy ni Police Patrolman Cito Balaba,imbestigador ng Initao Police Station na nasa kalahating oras ang pagka-missing ng biktima nang isinagawa nila ang scuva diving.
Mabilis ito na isinugod sa Misamis Oriental Provincial Hospital-Initao nang ma-retrive ng master divers ang katawan ng biktima subalit bigo na ang mga doktor na maisalba pa ang buhay nito.
Si Anquillano ay pumalawa kay late former 104rd IB commander Brig Gen Daniel Lucero na nasawi matapos nasangkot sa katulad na aksidente sa bayan bayan Tukuran,Zamboanga del Sur noong Hunyo 2013.