CAGAYAN DE ORO CITY – Tinawanan lamang ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y ipinakalat na propaganda ng CPP-NPA na sila ang nasa likod kung bakit bumagsak ang Huey chopper dahilan na patay ang apat na personahe ng Philippine Air Force at tatlo naman mula sa panig ng Philippine Army sa Sitio Naigit,Brgy Bolunay,Impasug-ong,Bukidnon.

The late PAF pilot Lt Col Arnie Arroyo who’s one of the 7 govt troops died when their Huey chopper crashed in Impasug-ong,Bukidnon on January 16, 2021

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 403rd IB,Philippine Army commander Brig Gen Ferdinand Barandon na sumakay lamang sa pangyayari ang mga rebelde upang pilit kumbinsihin ang publiko na malakas pa ang kanilang puwersa na pinahina ng husto ng gobyerno partikular sa nabanggit na probinsya.

Inihayag ni Barandon na nasa minimum na taas ang lipad ng chopper dahil malayo pa ang kanilang destinasyon at hindi basta-basta babagsak kung titirahin lamang ng ordinaryong uri ng baril mula sa mga kalaban.

Sinabi ng heneral na tanging ang team of investigators ng PAF lamang ang makakaalam kung nagka-engine trouble ang helicopter dahil sa isasagawa nila na sariling imbestigasyon sa crash site nitong linggo.

Magugunitang nasa Mactan,Cebu na ang apat na PAF personnel na kinabilangan nila pilot in command Lt Col Arnie Arroyo, co-pilot 2Lt Mark Anthony Caabay, PAF gunner Staff Sgt Mervin Bersabe at Air Force 1st Class Stephen Agarrado bilang pagsunod ng protocols at bago sila ihahatid sa kani-kanilang mga pamilya mula sa Luzon at dito sa Mindanao.

Samantalang naihatid naman sa kanyang pamilya si CAFGU Active Auxiliary member Jerry Ayucdo sa Caraga Region habang sina Army Sgt Julius Salvado, CAA Jhamel Sugalang ay nanatili sa Bukidnon dahil mismo sila nagmula sa Mindanao.

Si 403rd IB,Philippine Army commander Brig Gen Ferdinand Barandon

Napag-alaman na bago inilibad ng PAF ang apat nila personahe papuntang Cebu ay binigyang military honors muna sila sa Tactical Operations Group 10 bilang pagkilala ng kanilang kabayanihan at tapat na paglingkod sa taong-bayan.