(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Pinahahalagahan ng Armed Forces of the Philippines ang pangkalahatan na kalusugan ng kanilang tropa at mga taong nagbigay suporta dahilan na dumulog sila sa ‘civilian minds’ upang masiguro na mahinto ang karagdagang impeksyon na dumapo sa katawhan nang napatay na si CPP-NPA-NDF Mindanao spokesperson Jorge Madlos alyas Ka Oris sa naganap na engkuwentro sa Bukidnon noong Oktubre 30,2021.
Ito ang dahilan na ibinaba ang naka-silyado na bangkay ni Ka Oris sa bundok ng Impasug-ong at dinala sa Cagayan de Oro City para isailalim nang cremation sapagkat kompirmadong positibo sa impeksyon ng COVID-19.
Ito ang kasagutan ni 4th Infantry ‘Diamond’ Division,Philippine Army spokesperson Maj Francisco Garello Jr kaugnay sa patutsada ng isang nagpakilalang tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines na si Marco Valbuena na nag-akusa na umano’y mayroong military cover up kung bakit minadali ang pag-cramate kay Ka Oris.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Garello na hindi sariling hakbang ng AFP na e-cremate si Ka Oris subalit sinunod ang nakalatag na protocols ng Inter-Agency Task Force at batay na rin sa rekomendasyon na ipinaabot ng local government unit ng Bukidnon.
Inihayag ng opisyal na ang pagkawala ni Oris ay pagbigay hustisya na rin sa maraming mga ipinapapatay ng mga sibilyan simula nang pumasok ito noong dekada 70 hanggang sa naging isa sa mga pinakamataas na opisyal ng kanilang organisasyon.
Iginiit ng AFP na kailanman ay hindi nila nilaspatangan ang bangkay ni Oris dahil palagi nila sinusunod ang mga alintuntunin na nakasaad sa International Humanitarian Law kumpara sa mga kagagawan ng mga rebelde na malagim na pinapatay ang ilang personahe ng estado kahit walang kalaban-laban.
Katunayan,binalikan rin ni Garello kung gaano ka bangis ang mga rebelde nang pinatay nito ang tatlo nilang sundalo na umaabot sa 74 na tama ng bala lahat ang kanilang tinamo ilang oras ang nakalipas na bumagsak ang usaping pang-kapayapaan sa pagitan ni gobyerno at CPP-NPA-NDF noong taong 2017.
Una rin nito,sinabi sa Bombo Radyo ni 403rd Infantry Brigade commander Brig Gen Ferdinand Barandon Jr na lahat ng kanyang mga tauhan na nasa engkuwentro laban sa grupo ni Ka Oris ay kasalukuyang kinunan ng RT-PCR test at naka-isolate upang masiguro na hindi makadapo ang COVID-19 kung sakaling nahawaan ang mga ito noong nakaraang linggo.