Isa lamang cover-up upang pagtakpan ang desisyon ng Korte Suprema sa unconstitutional na national budget ang panggigipit ng pamahalaan sa mga kaalyado ng pamilyang Duterte.
Pinanindigan ni Masa Sara Duterte Alliance Founding Convenor Ben Ranque sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo na sinadyang gipitin ang mga senador upang malimutan ang kontrobersiya sa 2024 hanggang 2026 budget.
Nilinaw pa ng lider na imbes na sagutin ang responsibilidad sa inilabas na pondo ng publiko, ginamit ang kepulisan upang ibaling ang atensyon sa ibang tao.
Dahil dito, nagbabala ang grupo sa pamahalaan na papanagutin pa rin ng taumbayan ang mga opisyal na nasa likod ng naturang sinasabing ilegal na badyet.











